Western Union Philippines

Awards

HUMANAP NG LOKASYON

May isa na malapit sa iyo!

Hanapin ang pinakamalapit na Western Union sa iyo sa Pilipinas.

Mga dagdag na Western Union sites!

Magpadala ng pera online kung nakatira
ka sa isa sa mga sumusunod na bansa:
Ibang Western Union sites:

TANONG? Tumawag po sa Amin!

02 888-1200 (para sa mga tawag
mula sa Metro Manila)
  1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong
bansa gamit ang PLDT)
  1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong
bansa gamit ang Globe)
  +632 888-1200 (para sa mga tawag
mula sa ibang bansa)

PAANO MAKAKATANGGAP NG PERA

Napakadaling tumanggap ng pera mula sa amin. Una, hanapin ang Western Union Agent location sa Pilipinas na pinakamalapit sa iyo. Pagkatapos, pumunta ka na doon.


  1. 1Kumpirmahin na ang Pera ay Maaari nang Kunin

    Bago ka (ang Pinadalhan) pumunta sa aming Agent location, siguruhin na ang pera ay maaari nang makuha. Kumpirmahin ang status ng ipinadala sa iyong pera sa pamamagitan ng pagtawag sa nagpadala sa iyo o sa Philippines Customer Hotline sa 02 888-1200 (para sa mga tawag mula sa Metro Manila) o 1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang PLDT), 1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang Globe) o +632 888-1200 (para sa mga tawag mula sa ibang bansa).

    Kung sakaling ang pera ay ipinadala sa bank account ng Pinadalhan (o benepisyaryo) sa alinman sa mga sumusunod na bangko sa Pilipinas, ang pera ay maaaring ma-withdraw nang direkta mula sa bangko:

    • Banco de Oro (BDO)
    • Bank of the Philippine Islands (BPI)
    • Philippine National Bank (PNB)
    • Metropolitan Bank and Trust Co. (Metrobank)
    • United Coconut Planters Bank (UCPB)
    • Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC)
    • Allied Bank
    • Land Bank of the Philippines (LBP)
  2. 2Pumunta sa Agent

    Huwag kalimutang dalhin ang sumusunod na impormasyon:

    • Ang 10-digit Money Transfer Control Number (MTCN)
    • Ang buong pangalan ng Nagpadala o Sender (ang mismong first name, middle name at ang apelyido na nakasulat sa 'To Send Money' form
    • Ang Lungsod at Bansa kung saan galing ang pera
    • ng Inaasahang Halaga ng pera na ipinadala
    • Ang iyong orihinal na valid I.D. na may litrato.

  3. 3Punan ang form na 'To Receive Money'

    Punan lamang ang 'To Receive Money' form at ibigay sa Agent ang MTCN at ipakita ang iyong orihinal na valid I.D. na may litrato
  4. 4

    Tingnan ulit kung tama at pirmahan ang Resibo

    Ikaw ay bibigyan ng resibo. Basahin mo ito ng mabuti at pirmahan ang resibo kung tama ang lahat ng mga detalye.
  5. 5Tanggapin ang iyong pera

    Ibibigay sa iyo ng Agent ang iyong pera kasama ang resibo. Tapos na ang transaction. Pakitago ang iyong pera sa isang ligtas at segurong lugar.
a Receiver
a Sender