HUMANAP NG LOKASYON
May isa na malapit sa iyo!
Mga dagdag na Western Union sites!
TANONG? Tumawag po sa Amin!
| 02 888-1200 | (para sa mga tawag mula sa Metro Manila) |
|
| 1-800-1-888-1200 | (toll-free sa buong bansa gamit ang PLDT) |
|
| 1-800-9-888-1200 | (toll-free sa buong bansa gamit ang Globe) |
|
| +632 888-1200 | (para sa mga tawag mula sa ibang bansa) |
F.A.Q.
MGA MADALAS TANUNGIN
Mahahanap mo ang mga sagot sa iyong mga katanungan mula sa mga tanong sa ibaba. Kung kailangan mo pa ng karagdagang kaaalaman , huwag mag-atubiling tumawag sa ang aming Philippines Customer Hotline sa 02 888-1200 (para sa mga tawag mula sa Metro Manila) o 1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang PLDT), 1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang Globe) o +632 888-1200 (para sa mga tawag mula sa ibang bansa).
Lahat ng dapat mong malaman mo tungkol sa:
Pagpapadala ng Pera
Pankalahatang Katanungan
-
Sila ang ating mga representative na maaari mong lapitan upang magpadala at tumanggap ng pera.
-
Tumawag sa Philippines Customer Hotline sa 02 888-1200 (para sa mga tawag mula sa Metro Manila) o 1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang PLDT), 1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang Globe) o +632 888-1200 (para sa mga tawag mula sa ibang bansa).
Makikita mo rin dito kung nasaan sa Pilipinas ang pinakamalapit na Western Union Agent
-
Ikaw o ang sinuman na kailangang magpadala o makatanggap ng pera sa mabilis, convenient at maaasahang paraan.
Mga Halimbawa:- Ang mga nagbibigay suporta pinansyal sa mga kamag-anak at kaibigan.
- Mga bumabiyahe na nasa emergency na sitwasyon.
- Taong nagpapadala ng pera bilang regalo.
Magpadala ng Pera
-
a. Puntahan sa agent location na pinakamalapit sa iyo. b. Punan ang 'To Send Money' form at ipakita sa Agent ang tinatanggap na valid I.D. na may litrato. c. Ibigay sa Agent ang pera kasama ang kailangang bayad1 na cash. d. Bibigyan ka ng Agent ng resibo at ng iyong Money Transfer Control Number (MTCN). e. Pirmahan ang resibo. Tapos na ang transaksyon. f . Matapos ang transaction, tawagan ang pinadalhan mo ng pera at ipaalam ang mahalagang impormasyon sa kanya tulad ng 10-digit na money transfer control number (MTCN), ang apelyido ng nagpapadala kung paano ito nakasulat sa 'To Send Money' form, halagang ipinadala at ang bansa kung saan galing ang pera. Ipaalala rin sa pinadalhan na magpakita ng isang valid I.D. na may litrato.
-
Dalhin ang iyong kasalukuyang orihinal na valid I.D. na may litrato at ang cash na ipapadala mo pati na pambayad ng fee1. Maaari mo ring dalhin ang iyong Western Union Gold Card.
-
Tanunging and Western Union Agent sa inyong lugar para sa detalye. Sa ilang mga bansa, maaari kang magpadala ng halagang ibig mo. Pero maaaring may mga restriksyon sa mga halaga na maaaring matanggap ng mga tao sa ilang bansa.
At, para sa ilang halaga sa ilang bansa, maaaring hingin sa iyo na magbigay ng karagdagang impormasyon o dokumentasyon.
-
Laging mayroon kahit na isa man lang na Western Union Agent location sa Pilipinas na bukas para sa negosyo sa pagitan ng 9am hanggang 6pm.
Hanapin ang pinakamalapit na Western Union Agent sa Pilipinas dito.
-
Para malaman ang estado ng pinadala, tumawag sa Philippines Customer Hotline sa 02 888-1200 (para sa mga tawag mula sa Metro Manila) o 1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang PLDT), 1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang Globe) o +632 888-1200 (para sa mga tawag mula sa ibang bansa).
Maaari ka ring pumunta sa 'Tracking' link na nasa homepage ng aming website, at sundan ang estado ng iyong pera sa pamamagitan ng pag-type ng iyong pangalan (kung paano ito nakasulat sa 'To Send Money' form) at ang Money Transfer Control Number (MTCN).
Tingnan ngayon ang estado ng iyong pagpapadala ng pera
-
Wala. Hindi nag-o-offer ng serbisyong escrow o buyer protection ang Western Union. Tandaan, para maprotektahan ang iyong sarili sa mga panloloko, huwag magpapadala ng pera sa hindi mo kilala. Kung sa tingin mo ikaw ay niloko o na-scam gamit ang Western Union, ipaalam mo agad sa amin .
Pagtanggap ng Pera
-
- Pumunta sa Western Union Agent na pinakamalapit sa iyo .
- Punan ang 'To Receive Money' form at magpakita ng isa sa mga tinatanggap na valid I.D. na may litrato at ang Money Transfer Control Number.
- Bibigyan ka ng resibo. Basahin ito ng maigi at pirmahan.
- Ibibigay sa iyo ng Agent ang resibo at ang iyong pera.
Kung sakali ang pera ay ipinadala sa bank account ng Pinadalhan (o benepisyaryo) sa alinman sa mga sumusunod na Bangko sa Pilipinas, ang pera ay maaaring ma-withdraw nang direkta mula sa bank account:
- Banco de Oro (BDO)
- Bank of the Philippine Islands (BPI)
- Philippine National Bank (PNB)
- Metropolitan Bank and Trust Co. (Metrobank)
- United Coconut Planters Bank (UCPB)
- Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC)
- Allied Bank
- Land Bank of the Philippines (LBP)
-
Pakihanda ang mga detalyeng ito:
- Ang pangalan ng nagpadala (first name, middle name at apelyido).
- Ang bansa kung saan galing ang pera.
- Ang halaga ng ipinadala.
- Ang Money Transfer Control Number (MTCN).
- Isang orihinal na valid I.D. na may litrato.
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Philippines Customer Hotline sa 02 888-1200 (para sa mga tawag mula sa Metro Manila) o 1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang PLDT), 1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang Globe) o +632-1200 (para sa mga tawag mula sa ibang bansa).
-
Ihanda ang iyong Money Transfer Control Number (MTCN) at magtanong tungkol sa estado ng iyong money transfer sa pamamagitan ng pagtawag sa Philippines Customer Hotline sa 02 888-1200 (para sa mga tawag mula sa Metro Manila) o 1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang PLDT), 1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang Globe) o +632 888-1200 (para sa mga tawag mula sa ibang bansa).
Pwede ka ring pumunta sa 'Tracking' link na nasa homepage ng aming website, at sundan ang estado ng iyong pera sa pamamagitan ng pag-type ng iyong pangalan (kung paano nakasulat sa 'To Send Money' form) at ang Money Transfer Control Number (MTCN).
-
Ang money transfer ay binabayaran ng cash.
Proteksyon sa Panloloko
Pinapahalagahan namin ang inyong negosyo. Ipinagmamalaki namin ang pagpapadala ng iyong mga pondo sa pinakamabilis at pinaka-maaasahang paraang posible. Pero, mahalaga na protektahan mo ang iyong sarili mula sa mga manloloko na ibig makuha ang iyong pera.
Laging siguruhin na kilala mo ang padadalhan mo. Kung ikaw ay bumibili ng mga bagay at serbisyo gamit ang Western Union, responsibilidad mo na berepikahin muna ang pagka-legal ng nagtitinda. Wala kaming pananagutan sa kalidad o sa hindi pagka-tanggap ng anumang produkto o serbisyo.
Nasa ibaba ang ilang mga malimit na katanungan tungkol sa panloloko. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa Anti-Fraud na bahagi sa aming Website.
-
Oo. Kasama sa karaniwang mga senaryo ay:
- Pinababayad ng pera bago makatanggap ng inutang.
- Representative ng kumpanya ng sweepstakes, premyo, o lottery na nagsabi sa iyo na bago mo makuha ang premyong napanalunan mo (maraming kumpanya ang
- nagpapatakbo ng hindi totoo na mga contest na kailangan mong magpadala ng pera ngunit walang ipadadalang kapalit).
- Hindi hiniling na mga sulat o e-mail mula sa Nigeria o ibang banyagang opisyal ng gobyerno na humihiling ng tulong sa paglilipat ng funds mula sa ibang bansa papunta sa iyong bank account.
- Mga tawag mula sa pulis na nagpapanggap na ang isang kakilala mo ay naaksidente o naaresto at kailangan ng pera.
- Hindi hiniling na mga sulat o mga e-mail na nagbibigay ng hindi makatotohanang presyo para sa mamahalin o mahirap hanapin na mga bagay.
-
Kung nakatanggap ka ng e-mail mula sa taong nagpapanggap na taga Western Union at hindi ka sigurado tungkol dito, huwag mag-click sa anumang link sa mail. Maaaring pagsubok ito sa 'phishing' upang makuha ang sensitibo mong impormasyon. Ipadala agad ang kahina-hinalang sulat sa CustomerService.Asia@westernunion.com.
Ang Western Union ay hindi magpapadala sa iyo ng mga e-mail na humihingi sa iyong user ID, password, o mga detalye ng credit card.
-
Ang feature na 'Test Question' ay ginawa para sa mga emergency na sitwasyong kung saan ang tatanggap ay walang tamang ID (hal. Nanakaw ang kanyang wallet at ID). Hindi ito dapat gamitin bilang karagdagang seguridad o para mapatagal ang pagbayad. Kapag may test question na ginamit ang Sender or nagpadala ng pera, hindi namin babayaran ang receiver o ang pinadalhan kung hindi niya alam ang sagot sa tanong kahit na nagpakita ng tamang identification. Tandaan na ang mga transakyong papuntang Pilipinas at ibang bansa ay hindi maaaring gumamit ng test question para higpitan ang pagbayad kaya kailangang magpakita ng tamang identification ang receiver o pinadalhan sa mga bansang ito.
-
Wala. Ang negosyo namin ay ang pagpapadala ng pera mula sa nagpadala papunta sa pinadalhan. Kapag ginagamit ang aming mga serbisyo, pinapag-ingat namin kayo sa pagpapadala ng pera sa mga hindi kilala. Responsibilidad ito ng nagpadala upang kilalanin ang pinadadalhan ng funds. Ang paggamit ng hindi totoong (o iyong sariling) pangalan o ang pagpalit ng pangalan ng padadalhan matapos maipadala ang pera ay hindi isang garantisadong pamamaraan sa pagseseguro ng pera. Kung ang pinadalhan ay nagpakita ng tamang ID na may parehong pangalan sa pagpapadala ng pera, ibibigay sa kanya ang pera.
Mag-ingat sa mga serbisyong “pangongolekta” o 'holding' maliban lamang kung ang mga ito ay mga serbisyong may magandang reputasyon at lisensiyado. Hindi kami serbisyong escrow, hindi dapat na gamitin bilang serbisyong escrow at sa kasalukuyan ay wala kaming kaugnayan sa anumang serbisyong escrow.
-
Para sa mga online na auction, pag-aralang mabuti ang mga feedback tungkol sa nagbebenta at alamin ang mga senyales na babala na kaugnay ng mga panlolokong pagbenta sa auction. Karamihan sa mga site ng auction ay may mga gabay sa kaligtasan o FAQ na makakatulong upang matunton mo ang mga maaaring panlolokong pagbenta. Mag-ingat kung ang nagbebenta ay gumagamit ng libreng email address o nagpupumilit na tumanggap lamang ng isang klase ng bayad. Iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad at mag file ng mga reklamo para sa hindi pagpapadala ng mga binili sa site ng auction kung saan mo nabili ang bagay.
Tandaan na ang Western Union ay hindi naghahandog ng serbisyong escrow o anumang uri ng 'proteksyon sa pagbili' na patakaran. Ang ibig sabihin nito, responsibilidad mo na berepikahin na lehitmo ang nagbebenta at ang Western Union ay walang responsibilidad sa kalidad at hindi pagtanggap ng anumang produkto o serbisyo.
-
Kontakin ang Office of Consumer Affairs ng inyong pamahalaan at ang pulisya kung hindi ka sigurado o naghihinala ka sa isang solisitasyon sa telepono, sulat o e-mail. Kung sa iyong palagay ay nabiktima ka ng panloloko, makipag-usap agad sa iyong lokal na pulis. Sa Pilipinas, tawagan ang National Bureau of Investigation upang mag-report ng mga insidente ng panloloko.
-
- Palaging tiyakin na kilala mo ang padadalhan mo. Kung ikaw ay bumibili ng mga bagay at serbisyo gamit ang Western Union, responsibilidad mo berepikahin na legitmo ang nagbebenta. Hindi kami responsable para sa kalidad o hindi pagtanggap ng anumang produkto o serbisyo.
- Putulin ang tawag kung ang tumatawag ay nagdidikta sa iyo na sagutan ang mga tanong ng Western Union.
- Ang seguridad ay responsibilidad ng lahat. Manatiling may kaaalaman. Palaging alamin ang mga tungkol sa mga bagong uso sa panloloko.
Tandaan, kung ang handog ay masyadong maganda upang maging totoo, siguro'y ganun na nga.

