Western Union Philippines

Awards

HUMANAP NG LOKASYON

May isa na malapit sa iyo!

Hanapin ang pinakamalapit na Western Union sa iyo sa Pilipinas.

Mga dagdag na Western Union sites!

Magpadala ng pera online kung nakatira
ka sa isa sa mga sumusunod na bansa:
Ibang Western Union sites:

TANONG? Tumawag po sa Amin!

02 888-1200 (para sa mga tawag
mula sa Metro Manila)
  1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong
bansa gamit ang PLDT)
  1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong
bansa gamit ang Globe)
  +632 888-1200 (para sa mga tawag
mula sa ibang bansa)

ALAMIN

 All  |  Product  |  Press Release  |  Promotions  |  

Maynila, ika-4 ng Marso, 2009 – Nagbukas kamakailan ang Western Union Company, ang nangungunang kumpanya sa larangan ng money transfer services, ng 150 na bagong Agent locations sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Kasama rito ang pagbukas ng 50 flagship outlets sa ilang malalaking siyudad ng bansa.

“Dahil sa lumalalang problemang pinansiyal sa bansa, dumarami ang mga taong naghahanap ng mapagkakatiwalaang kumpanya sa pagpapadala ng kanilang perang pinaghirapan. Ang Western Union ay may pinakamalaking network sa bansa, at mas marami pa ang bubuksang mga sangay nito sa taong ito,” ayon kay Patricia Riingen, Senior Vice-president para sa Pacific at Indochina ng Western Union.

With over 6,300 agent locations sa buong Pilipinas,
naroon ang Western Union kung saan n’yo kami kailangan!

“Sa panahon ng kahirapan, mas marami nang nagtitiwala sa Western Union dahil sa ito’y matatag, maaasahan, at mabilis,” dagdag pa ni Riingen. “Maliban sa umabot na ng 150 taon ang Western Union, ito rin ay may malakas na financial position at brand leadership sa industriya, at mataas na antas ng serbisyong pang-internasyunal.”

Sabi ni Riingen, “Walang dapat alalahanin ang aming mga suki dahil kampante sila sa Western Union.”

Nagbukas ang Western Union ng 50 bagong malalaking locations sa mga siyudad na may mataas na antas ng customer traffic. Maliban sa mas marami na ngayong mga counters at frontline associates sa mga flagship locations na ito, mas malawak at kumportable na rin ang mga ito, at mas maiksi na ang waiting time. Sa Kalakhang Maynila, may bagong flagship locations sa Maynila, Quezon City, Quiapo, Taguig, Kalookan, at San Juan. Nagbukas din ng mga bagong sangay sa Ilocos Sur, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Tarlac, Bulacan, Cavite, at Batangas sa Luzon; Cebu, Samar, Leyte, at Marinduque sa Visayas; at Davao, South Cotabato, Zamboanga, at Surigao sa Mindanao. Ilan lamang ito sa mga bagong naitayong Agent locations ng Western Union sa buong bansa.

Ang Western Union ay may mahigit na 6,300 Agent locations sa buong Pilipinas, at lampas sa 334,000 na Agent locations sa mahigit 200 na bansa sa buong mundo (as of Disyembre 2008).

“Ang aming di-mapantayang network ay nangangahulugan lamang na mayroong Western Union Agent location na malapit sa iyo,” ani pa ni Riingen. “Kung ikaw man ay magpapadala ng pera mula Singapore papuntang Cebu o mula Makati hanggang Bongao, Tawi-Tawi, ang pagkakaroon ng isang malapit na Agent location ng Western Union ay nangangahulugan na makakatipid ka sa pamasahe at mas marami kang oras para sa iyong pamilya at trabaho.”

 

About The Western Union Company

The Western Union Company (NYSE:WU) is a leader in global money transfer services. Together with its Vigo and Orlandi Valuta branded money transfer services, Western Union provides consumers with fast, reliable and convenient ways to send and receive money around the world, as well as send payments and purchase money orders. It operates through a combined network of more than 375,000 Agent locations in over 200 countries and territories. Famous for its pioneering telegraph services, the original Western Union dates back to 1851. For more information, visit www.westernunion.com.

For further information please contact:

Connie Yip
Corporate Communications Asia Pacific
Phone: +852 3405 8002
Mobile: +852 6392 6221
Email: connie.yip@intl.westernunion.com

Iya Diza
Outsource PR
Phone: +63 2 811 1377
Mobile: +63 917 831 0207
Email: opraccts@pldtdsl.net

© Western Union Holdings, Inc. All Rights Reserved.

a Receiver
a Sender