HUMANAP NG LOKASYON
May isa na malapit sa iyo!
Mga dagdag na Western Union sites!
TANONG? Tumawag po sa Amin!
| 02 888-1200 | (para sa mga tawag mula sa Metro Manila) |
|
| 1-800-1-888-1200 | (toll-free sa buong bansa gamit ang PLDT) |
|
| 1-800-9-888-1200 | (toll-free sa buong bansa gamit ang Globe) |
|
| +632 888-1200 | (para sa mga tawag mula sa ibang bansa) |
ALAMIN
|
|
![]() |
Maynila, ika-6 ng Marso, 2009 – Ipinagalam kamakailan ng Western Union Company, ang nangungang kumpanya sa money transfer services, na ang batikang aktor at personalidad na si Cesar Montano ay ang napiling tagapag-endorso ng Pilipinas ng nasabing kumpanya. “Nagagalak kami na si Cesar Montano ay magiging ambassador ng Western Union. Ang kanyang mga nagawa sa larangang pansibiko at sa industriya ng pinilakang-tabing ay nagsasalamin ng kanyang mabuting pagkatao at integridad,” ayon kay Patricia Riingen, Senior Vice-president, Pacific at Indochina ng Western Union. |
Si Montano, host ng kilalang TV game show na The Singing Bee, ay matagal nang suki ng Western Union. “Parati kong ginagamit ang Western Union pag nagpapadala ng pera sa mga kamag-anak sa probinsiya o kahit saan pa,” ani Montano. “Panatag ang kalooban ko sa Western Union dahil mabilis ito at mapagkakatiwalaan. Para kampante ka, i-Western Union mo.” “Napakaimportante ng pagpapadala ng pera sa maraming Pilipinong nagtratrabaho sa malayo, kundi man sa labas ng bansa ay sa iba’t ibang lungsod o bayan ng Pilipinas. Kasama na sa kultura natin ang pangangalaga ng ating mga kaibigan at kamag-anak,” ani Montano. “Noong sinabi ng Western Union na nais nila akong maging ambassador, tinanggap ko agad ang alok dahil nakikinabang ako sa kanilang serbisyo. Hinahangaan ko ang pagiging maaasahan nito, mula pa noong araw.” |
|
|
Sa kanyang pinakabagong patalastas, makikitang nagpapadala ng pera si Montano sa isang kaibigang bagong-panganak ang misis gamit ang Western Union. Ayon kay Montano, ang konseptong ito ay hango sa isang totoong karanasan. |
|
Ang batikang Boholanong aktor ay nagsimula sa mga stage plays at di nagtagal ay lumipat na siya sa pelikula kung saan siya ay nakapagganap, nag-direct, at nag-produce ng mga pelikulang pumatok sa takilya. Siya ay maaalaalang gumanap sa papel ng pambansang bayani, si Dr. Jose P. Rizal, sa pelikulang Jose Rizal, at sa kanyang pelikulang Panaghoy sa Suba. Nagawaran na ng ilang tropeyo si Montano para sa kanyang pag-arte at para sa kanyang pag-direct ng Panaghoy sa Lupa na may istorya tungkol sa isang pagmamahalang naganap sa Bohol noong ikalawang digmaan. Ang pelikulang ito ay may tema ng nasyunalismo at colonial mentality. Masigasig din si Montano sa mga gawaing-pansibiko. Siya ay chairman at pangulo ng Panaghoy Children’s Foundation at UNESCO Commissioner for Arts and Culture. |
|
About The Western Union Company The Western Union Company (NYSE:WU) is a leader in global money transfer services. Together with its Vigo and Orlandi Valuta branded money transfer services, Western Union provides consumers with fast, reliable and convenient ways to send and receive money around the world, as well as send payments and purchase money orders. It operates through a combined network of more than 375,000 Agent locations in over 200 countries and territories. Famous for its pioneering telegraph services, the original Western Union dates back to 1851. For more information, visit www.westernunion.com. Connie Yip Iya Diza |
![]() |



