Western Union Philippines

Awards

HUMANAP NG LOKASYON

May isa na malapit sa iyo!

Hanapin ang pinakamalapit na Western Union sa iyo sa Pilipinas.

Mga dagdag na Western Union sites!

Magpadala ng pera online kung nakatira
ka sa isa sa mga sumusunod na bansa:
Ibang Western Union sites:

TANONG? Tumawag po sa Amin!

02 888-1200 (para sa mga tawag
mula sa Metro Manila)
  1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong
bansa gamit ang PLDT)
  1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong
bansa gamit ang Globe)
  +632 888-1200 (para sa mga tawag
mula sa ibang bansa)

ALAMIN

 All  |  Product  |  Press Release  |  Promotions  |  
Western Union Senior Vice President para sa Pacific at Indochina, Patricia Zamora-Riingen (gitna), kasama ang Western Union endorser na si Cesar Montano (kaliwa) at aktor sa pelikula at telebisyon na si Jericho Rosales sa nakaraang pagbubunsod ng  Western Union Gold Card 2009 Loyalty Rewards Program.   Sa kaganapang ito, ibinahagi ang mga malalaking karagdagan sa programa.   Ang  mga miyembro ng Gold Card  ay may mga pribilehiyo tulad ng 50% discount para sa mga tiket sa bagong serye ng concerts na sponsored ng Western Union.  Tampok sa concert na ito sina Rosales at iba pang bituin na sina Christian Bautista at Yeng Constantino.

Pilipinas, ika-9 ng Marso, 2009 - Ang Western Union, nangunguna sa money transfer services sa buong mundo ngayon, ay naglunsad kamakailan ng kanilang major promo para sa taong ito, ang 2009 Western Union Gold Card Rewards Program, sa pamamagitan ng isang star-studded event sa Teatrino Theatre sa Greenhills. Gaya na na rin ng pagbibigay ng Western Union Gold Card ng kasiyahan sa kanilang loyal customers, ang ginawang launching ay nagmistulang isang variety show at concert – na nagbigay sa mga manonood ng patikim ng mga benefits na nag-aabang para sa mga Gold Card members ng Western Union.

Naka-line up sa taong ito ang ilang entertainment-themed benefits na siguradong ikasisiya ng mga loyal customers – gaya ng mga concerts at isang nationwide talent search – bukod sa iba pang mga offers mula sa dumadami na ngayong mga partner promoters. Pagpapatunay na ang Western Union Gold Card ay totoong ginto ang katumbas para sa buong pamilya.

Siempre pa nag-perform si Cesar Montano, ang Western Union brand ambassador, na bukod sa pagiging action star ay kilala na rin bilang isang musical talent. Ganun din ang matinee idol na si Jerecho Rosales na kumanta ng kanyang nakakakilig na version ng “Beautiful In My Eyes.” Si Phoemela Baranda naman ang nag-host ng show.

GINTONG GALING TALENT SEARCH at concert

Isang concert series ang inihanda ng Western Union na gaganapin sa key cities gaya ng Cebu (May 16), Davao (June 20) at Manila (July 4).

Gintong Galing ang title ng talent search na ito na suportado ng Overseas Workers Welfare Administration.

Magkakaroon ng isang audition sa bawat bayan na pagtatanghalan. Lima sa mga papasa sa audition ang makakasama sa gaganaping concert sa kanilang bayan. Isang winner ang tatanghalin sa bawat venue na nabanggit, at makakatanggap siya ng P100,000 cash mula sa Western Union.

Ang mga kapamilya ng mga overseas Filipino workers ay inaanyahan na makilahok sa search na ito. Ang mga qualified na sumali ay mga solo performers, o di kaya mga group singers kung saan ang mga members ay hindi hihigit sa lima. Tumawag lang ang mga interesado mag-audition sa Talent Search, sa Secretariat (02) 687-4883 local 111 or mag-email wutalentsearch@gmail.com

Ang mga Western Union Gold Card holders naman ay entitled sa 50 percent discount sa bawat concert ticket.

Iba pang discount offers para sa WESTERN UNION GOLD CARD MEMBERS

"Mahalaga sa amin ang mga Western Union Gold card members kaya para sa kanilang kasiyahan, kasama na rin ang kanilang mga pamilya ang Rewards Program na ito." sabi ni Patricia Riingen, Western Union Senior Vice President, Pacific & Indochina. "Naiintindihan namin ang mga pangangailangan ng aming mga customer at umaasa kami na kampante sila sa Western Union."

Napakadaling kumuha ng isang Western Union Gold Card at libre pa ito. Kailangan lang pumunta sa isang Western Union agent location at mag-fill up ng application form. Matapos na mag-sign up, bibigyan kayo ng isang complete list ng mga co-promoters at ang kani-kanilang mga discount offers.

Entitled ang mga Western Union Gold cardholders sa mga piling-piling mga discounts at gifts mula sa maraming Western Union promotion partner establishments.

- Abenson HomePlus: 5% discount kapag bumili ng selected items
- Dairy Queen: libreng upsize sa bawat 12oz Oreo Blizzard
- David’s Salon: 15% discount sa mga cash transactions
- George Optical: 5% discount para sa prescription lenses
- Informatics: a P300 discount sa mga courses
- Kids Depot: 10% discount
- Marcela, Marcela Myx, and Kristenzz: a 10% discount
- Microtel Inns and Suites: hanggang 30% discount
- Pizza Hut: isang Spaghetti Bolognese o Cesar Salad ang ibibigay ng libre para sa isang minimum purchase na P300
- Taco Bell: a free drink naman ang makakasama ng bawat minimum purchase na P200
- Xtreme Magic Sing: P250 to P500 discount

Totoong gold nga ang katumbas ng mga rewards mula sa Western Union Gold Card!

For more information, go to your nearest Western Union agent location located nationwide.

 

About The Western Union Company

The Western Union Company (NYSE:WU) is a leader in global money transfer services. Together with its Vigo and Orlandi Valuta branded money transfer services, Western Union provides consumers with fast, reliable and convenient ways to send and receive money around the world, as well as send payments and purchase money orders. It operates through a combined network of more than 375,000 Agent locations in over 200 countries and territories. Famous for its pioneering telegraph services, the original Western Union dates back to 1851. For more information, visit www.westernunion.com.

a Receiver
a Sender