Western Union Philippines

Awards

HUMANAP NG LOKASYON

May isa na malapit sa iyo!

Hanapin ang pinakamalapit na Western Union sa iyo sa Pilipinas.

Mga dagdag na Western Union sites!

Magpadala ng pera online kung nakatira
ka sa isa sa mga sumusunod na bansa:
Ibang Western Union sites:

TANONG? Tumawag po sa Amin!

02 888-1200 (para sa mga tawag
mula sa Metro Manila)
  1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong
bansa gamit ang PLDT)
  1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong
bansa gamit ang Globe)
  +632 888-1200 (para sa mga tawag
mula sa ibang bansa)

ANTI FRAUD

PROTEKTAHAN ANG IYONG SARILI LABAN SA PANDARAYA


OVERVIEW

Ang Western Union ay nagbibigay ng mabilis, convenient at maaasahang paraan sa pagpapadala at pagtanggap ng pera. Subalit, ikaw ay pinapayuhan na magpadala lamang ng pera sa mga taong TANGING pinagkakatiwalaan mo.

Tandaan ang mga sumusunod:

  • Huwag magpadala ng pera sa hindi kilala gamit ang serbisyong money transfer.
  • Mag-ingat sa mga deal at mga oportunidad na mukhang masyadong maganda upang maging totoo.
  • Mag-ingat kapag nagbabayad sa mga online na pagbili sa auction gamit ang mga serbisyong money transfer.
  • Huwag magpadala ng perang pambayad ng buwis o bayad sa pagpapanalo sa mga foreign na lottery.


Karaniwang mga Scam

Ang mga manloloko ay laging may mga bagong paraan upang makuha ang perang pinaghirapan mo. Basahin ang higit pa tungkol sa mga karaniwang scam dito.


Mga Makakatulong na Tips

Protektahan ang iyong sarili. Gamitin ang mga tip na ito laban sa mga manloloko.

Maging maingat kung:

  • Makatanggap ka ng offer na masyadong maganda upang maging totoo. Halimbawa, pagbili ng mamahaling produkto na napakamura o pagtanggap ng imbitasyon upang mamuhunan sa napakababang mga rate, atbp.
  • Pinapaalam sa iyo na nanalo ka sa pag bid sa online na auction at ang nagbenta ay tumatanggap lamang ng pera sa pamamagitan ng money transfer.
  • Sinabi sa iyon na nanalo ka ng premyo sa lottery at kailangan mong magbayad muna ng buwis upang makolekta ang napanalunan mo at sa totoo lang ay hindi ka naman bumili ng ticket.
  • Nakatanggap ka ng SMS o text na nagsasabi na nanalo ka ng raffle o promosyon sa pagbebenta pero may bayad upang makuha ang premyo.
  • Ikaw ay pinababayad ng mga fee o ibang singilin kapalit ang bahagi sa napakaraming pera na nakuha ng ibang tao.
  • May sumagot sa iyong ad na nagsasabi na nahanap nila ang mga bagay na naiwala mo at inaangkin nila ang gastos sa pagpapadala/premyo.
  • May naibenta kang bagay at nakatanggap ng tseke na mas mahigit ang halaga kaysa sa bagay na hiningi. Hinihiling na ibalik mo ang sobrang pera sa pamamagitan ng money transfer.
  • Ikaw ay nabigyan ng low-cost na loan subalit kailangan mo munang bayaran ang mga fee o ang unang ilang buwang bayad gamit ang money transfer.
  • Nakatanggap ka ng tawag mula sa taong nagpapanggap na pulis o empleyado ng ospital na humihingi ng pera para sa piyansa o pagpapagamot ng iyong mahal sa buhay.
  • Pinababayad sa iyo ang mga bayad sa pagtatrabaho sa ibang bansa ng indibiduwal na nagpapanggap na representative ng ahensya o ng pinagtatrabahuhan.
  • Ikaw ay inatasan ng tao na humihingi ng pera kung paano sasagot sa mga katanungan ng mga serbisyong money transfer katulad ng Western Union.

Laging:

  • Kilalanin ang taong pagpapadalhan ng pera.
  • Bumili ng mga produkto at serbisyo mula sa mga pinagkakatiwalaang pinanggalingan.
  • Iwasang magbayad para sa mga online na auction gamit ang money transfer.
  • Alamin ng husto tungkol sa mga nagtitinda sa Internet, lalo na kung ang tanging impormasyon na mayroon ka ay website o e-mail address.
  • Mag-ingat kapag bumibili o nagtitinda ng mamahaling gamit mula sa taong nasa ibang bansa.
  • Ihinto ang ano mang transaction kung mayroong taong nagtuturo sa iyo ng mga paraan sa pagsagot sa mga katanungan ng Western Union. Siguradong senyales na iyon ng panloloko.
  • Makipag-usap agad sa pulis kung sa tingin mo ay niloloko ka.
  • (Sa Pilipinas) makipag-usap sa National Bureau of Investigation (NBI) kung ikaw ay nagdududa sa solisitasyong natanggap gamit ang text, pagtawag o e-mail.
  • Mahusay kaming paraan sa money transfer sa mga taong pinagkakatiwalaan mo pero hindi sa taong hindi mo kilala.
  • Hindi kami tumatanggap ng mga serbisyong escrow at hindi kami responsable sa kalidad o hindi natanggap na mga bagay at serbisyo.
  • Ang pagpapadala ng pera gamit ang inimbentong pangalan ay hindi poprotekta sa iyo kapag nakikipag-usap ka sa mga hindi mo kilala. Huwag mo itong gagawin.
  • Kung ang tunog ng handog ay masyadong maganda upang maging totoo, siguro'y ganun na nga ito.

Karagdagang Resources

Maging maalam tungkol sa mga gawaing panloloko! Mahusay na pagkukunan ng impormasyon ang mga sumusunod:

  • Mga diyaryo
  • Pulis
  • Mga Website ng Gobyerno (Bangko Sentral ng Pilipinas, Anti-Money Laundering Council, Securities and Exchange Commission, Insurance Commission, Department of Trade and Industry, National Bureau of Investigation)
a Receiver
a Sender