Western Union Philippines

Awards

HUMANAP NG LOKASYON

May isa na malapit sa iyo!

Hanapin ang pinakamalapit na Western Union sa iyo sa Pilipinas.

Mga dagdag na Western Union sites!

Magpadala ng pera online kung nakatira
ka sa isa sa mga sumusunod na bansa:
Ibang Western Union sites:

TANONG? Tumawag po sa Amin!

02 888-1200 (para sa mga tawag
mula sa Metro Manila)
  1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong
bansa gamit ang PLDT)
  1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong
bansa gamit ang Globe)
  +632 888-1200 (para sa mga tawag
mula sa ibang bansa)

Tungkol sa Amin


OVERVIEW

Kami, sa Western Union, ay mayroong mahigit 135 na taon na karanasan sa money transfer business, at tumutulong sa mga tao sa buong mundo na manatiling konektado.

Sa ngayon, ang Western Union ay nangunguna sa buong mundo sa serbisyo ng pagpapadala ng pera. Isa itong pinagkakatiwalaang pangalan na tumutulong sa mga private corporate clients na magpadala at tumanggap ng pera nang mabilis at maasahan. Ang Western Union ay nagbibigay ng serbisyong pagpapadala ng pera sa mahigit na 334,0001 na Agent locations sa mahigit 200 mga bansa at teritoryo sa buong mundo.

Ang Western Union ay nasa Pilipinas mula pa noong 1990, nagkakaloob ng mahalagang serbisyo sa milyun-milyong Pinoy. Ang Pilipinas ay pang-apat na bansa sa buong mundos na may pinakamalaking tinatanggap na remittance (Pinagkunan: World Bank Migration and Remittances Factbook 2008).

Ang Western Union ay may nakakahangang network na mahigit sa 6,3001 na Agent locations sa buong bansa, na nagbibigay sa mga Konsumer ng akses sa kailangang pera para sa araw-araw na gastusin o tulong sa emergency.

Tumawag sa Philippines Customer Hotline sa 02 888-1200 (para sa mga tawag mula sa Metro Manila) o 1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang PLDT), 1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang Globe) o +632 888-1200 (para sa mga tawag mula sa ibang bansa) upang mahanap ang pinakamalapit sa iyong Western Union Agent sa Pilipinas o hanapin ang pinakamalapit na Western Union Agent sa Pilipinas dito.


Ang Aming Kasaysayan

Nagsimula ang Western Union na isang telegraph company at matagumpay na naging global leader sa serbisyong pagpapadala ng pera. Sa mahigit 150 taon, ang mga kilala na nating karatula ng Western Union ay tumayo bilang pinagkakatiwalaang simbolo sa pag-uugnay sa mga magkakaibigan, magkakapamilya at mga negosyo sa paligid ng mundo.

TIMELINE

Ang Western Union ay itinatag noong 1851. Noong panahong iyon, ang tawag dito ay The New York and Mississippi Valley Printing Telegraph Company. Noong 1856 lang namin pinalitan ang aming pangalan sa The Western Union Telegraph Company. Noong 1871, inulunsad ang serbisyong Western Union Money Transfer® at ito na ang naging pangunahing negosyo ng kumpanya.

At upang pangunahan yan, kami lamang ang tanging kumpanya sa mundo na mayroong 5 satellite na nasa orbit noong taong 1982. At noong 1992, ipinakilala namin ang serbisyong Western Union® Money OrderSM na nagbibigay sa mga kostumer ng mabilis at madaling paraan ng pagkuha ng pera.

Pagdating ng 1996, binuksan namin ang aming headquarters sa North America sa Englewood, Colorado at naglagay pa ng mga bagong opisina sa Paris, Vienna at Hong Kong. Patuloy ang aming pagsulong sa aming paglawak ng hanggang 50,000 Agent locations sa buong mundo noong 1998.

Naging makasaysayang ang bagong milenyo sa paglulunsad namin ng aming worldwide website, www.westernunion.com. At noong 2005, sa pamumuno ng aming Presidente ng Western Union Financial Services, na si Christina Gold, nagkaroon kami ng mahigit 250,000 na Agent locations (kasama ang Orlandi Valuta, ang aming subsidiary) sa buong mundo.

Nakumpleto ang aming pagbabago noong 2006 nang ihinto namin ang aming makasaysayang telegram service.. Ang Western Union ay isa na ngayong financial services company na may mahigit 334,0001 na Agent locations sa buong mundo. At patuloy pa rin naming pinalalawak ang aming maaabot upang mapaglingkuran ang aming milyun-milyong mga kustomer sa buong mundo, at kasama ka na doon.


1 Network data hanggang Disyembre 2008.

a Receiver
a Sender